top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

PDEA director, ayaw ibigay kay VP Leni ang narcolist, bahkeeet?!

FEELING MATINO SI GRACE PADACA NOON, KORUP DIN PALA — Hinatulan ng Sandiganbayan ng 24 taong pagkakabilanggo si Isabela ex-Gov. Grace Padaca matapos mapatunayang sangkot ito sa P25 milyong scam noong panahong siya pa ang gobernadora ng lalawigan noong 2006. Kung mag-aasta noon si Padaca, akala mo pagkatinu-tino, ‘yun pala, korup din, buwisit!

***

SENATE PRES. SOTTO, MADALAS MAG-ASTANG ABOGADO SA CHINA —Matapos sabihin ni VP Leni Robredo, co-chairman ng Inter-Agency Coordinating on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na ang China ang source ng shabu sa bansa, sinabi ni Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na maghinay-hinay daw ang bise-presidente sa pag-aakusa kasi ka-partner daw ng Pilipinas ang China sa paglaban sa ilegal na droga.

Hay naku, si Senate Pres. Sotto, hindi naman abogado, pero ang hilig niyang umastang tagapagtanggol ng China, pwe!

***

KUNG WALANG MGA DRUG LORD NA NAIS PAGTAKPAN, DAPAT IBIGAY NG PDEA KAY VP LENI ANG “NARCOLIST” — Ang payo ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay VP Leni bilang co-chairman ng ICAD ay ang mga bigtime drug lord ang “targetin” at huwag ang mga small-time na tulak ng shabu. At dahil dito ay humirit si VP Leni kay PDEA Director Aaron Aquino na ibigay sa kanya ang listahan ng mga high value target o HVT (drug lord), pero ang nakapagtataka, ayaw itong ibigay ng PDEA director.

Kung walang mga drug lord na nais pagtakpan, dapat ibigay ni Aquino kay VP Leni ang “narcolists” o listahan ng mga HVT sa bansa period!

***

IPINAGBAWAL NA NI P-DUTERTE ANG PAPUTOK, PERO MAY NAGPUPUSLIT PA RIN NG “PAPUTOK” SA BUREAU OF CUSTOMS — Isang “Mr. Cheng” daw ang nagpupuslit ng “Chinese firecrackers” sa Bureau of Customs.

Naku, baka dahil d’yan ay malintikan si Customs Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero kay P-Duterte kasi ipinagbabawal na ng pangulo ang paputok ngayong panahon ng kapaskuhan at pagpapalit ng taon, tapos may smuggler na nagpapasok ng “Chinese firecrackers” sa bansa, buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page