Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bagyong Ramon, tatambay pa nang matagal sa 'Pinas

November 16, 2019

 

Halos ayaw umusad habang patuloy na nagdadala ng pag-ulan sa hilagang Luzon ang Bagyong Ramon na tinatayang magtatagal pa sa teritoryo ng bansa.

 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nananatili pa rin sa West Philippine Sea sa  silangan ng Northern Luzon ang bagyo.

 

Huling namataan bandang alas-10:00 kahapon ng umaga ang bagyo sa layong 420 kilometro ng hilagang-hilagang silangan ng Virac, Catanduanes. 
Ilang araw na ring nasa bahagi ng Virac ang bagyo. Mula sa unang tinataya na lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules ay posibleng magtagal pa ito hanggang Huwebes.

 

Ibinabala ng PAGASA ang paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa  mga lugar na nasa  ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 kabilang ang eastern portion ng Cagayan at Isabela, gayundin ang Northern Aurora.

 

Sa  Linggo ay asahan din ang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa  Apayao, Kalinga at nalalabing bahagi ng Isabela at Cagayan.

 

Samantala, patuloy namang makaaapekto sa Northern Aurora, Aurora at Bicol Region ang Northeast Monsoon (Amihan).

 

Patuloy ang babala ng PAGASA sa paglalayag sa karagatan dahil sa mataas na alon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr