Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Unang kaso ng lung injury — DOH.. 16-anyos nadale sa vape

November 16, 2019

 

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang kauna-unahang kaso ng sakit na nakuha dahil sa e-cigarette o vape associated lung injury (EVALI) mula sa Visayas.


Ayon sa DOH, isang 16-anyos na babae ang biktima na gumagamit umano ng vape sa loob ng anim na buwan.


Ang pasyente ay na-admit umano noong Oktubre 21 matapos makaranas ng matinding kakapusan ng paghinga at  kinailangan pang gamitan ng oxygen.


Na-admit din umano ito sa internal care unit.


At matapos ang mga pagsusuri sa kanya ay nakita na mayroon itong EVALI.


Sumailalim umano sa treatment ang pasyente na na-discharge na rin.


Kaya naman, payo ni DOH Usec. Enrique Domingo sa mga  gumagamit ng vape na magpakonsulta agad at magtanong sa doktor kung paano makaiiwas sa paggamit nito.


“All e-cigarette users should seek immediate medical help and ask their doctors for ways  to quit these harmful products. No e-cigarette product should be accessible to young children and adolescents, who are uniquely susceptible to the harms of e-cigarettes and nicotine. I urge non-users not to even try e-cigarettes at all,” pahayag ni Domingo.


Kabilang sa sintomas ng EVALI ang kakapusan at hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr