top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

Mga taga-customs, I-Lifestyle check dahil sa naluging P234 bilyon

MALI ANG PAGKUWESTIYON NI CONG. LAGMAN SA ‘MALASAKIT CENTER’ NI SEN. “BONG” GO—Kinuwestiyon ni Albay Rep. Edcel Lagman ang “railroading” o pag-aapura ng mga kapwa niya kongresista para maipasa sa Kongreso ang panukala ni Sen. Christopher “Bong” Go na magkaroon ng “Malasakit Center” sa lahat ng public hospital.

Sa totoo lang, good ang panukalang ‘yan ni Sen. Go at ang bad ay ang pagkuwestiyon ni Rep. Lagman sa “Malasakit Center” kasi malaki ang maitutulong nito sa mahihirap na pasyente para libre na silang makapagpagamot, tapos kinukuwestiyon pa niya, pwe!

◘◘◘

PDEA CHIEF AQUINO, SPOKESMAN NA RIN NG CHINA? —Kinontra ni PDEA Director Aaron Aquino ang pahayag ni VP Leni Robredo, co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na sa China nanggagaling ang mga shabung pumapasok sa Pilipinas kasi ayon sa PDEA director, hindi raw sa China kundi sa Myanmar, Laos at Thailand nagmumula ang mga drogang pumapasok sa bansa.

Karamihan sa mga natitimbog na mga drug traffickers sa bansa ay Chinese at pati ‘yung mga nagpasok ng tone-toneladang shabu sa Bureau of Customs ay pawang mga Chinese rin, tapos sabi ni Aquino, hindi raw mga Chinese ang mga drug suppliers sa bansa.

Ano ba itong PDEA director ng ‘Pinas, spokesman na rin ng China? Buwisit!

◘◘◘

MGA TAGA-CUSTOMS, I-LIFESTYLE CHECK KASI BAKA ANG NALUGING P234 BILYON SA TAX AY SA BULSA LANG NILA NAPUNTA? — Sa nakalipas na dalawang taon, lugi raw ng mahigit P234 bilyon sa tax collection ang Bureau of Customs dahil sa “benchmarking” na pabor sa mga smugglers at “tara” system sa Adwana.

Dapat i-lifestyle check ng Ombudsman ang mga opisyal ng Customs kasi ang napakalaking halaga na ‘yan na dapat sana sa kaban ng bayan pumasok ay sa bulsa ng mga “buwaya” sa Customs napunta, period!

◘◘◘

PNP OFFICIALS, SANGKOT NA RIN SA KOTONGAN—Sibak na sa puwesto ang tatlong opisyal ng pulisya na sina Maj. Emerson Sales, Maj. Rholly Caraggayan at Maj. Angel Beros, pawang miyembro ng PNP-Bids and Awards Committee dahil sa pangongotong ng P5 milyon sa isang bidder sa pagbili ng police body camera.

Hay naku, dati mga patrolman hanggang sarhento lang ang nasasangkot sa kotongan, pero ngayon, pati na mga opisyal ng pulis ay nangongotong na rin, mga buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page