top of page
Search
  • Ka Ambo

Mga desisyon ni P-Digong, apektado na ng pagtanda

Nilindol muli ang Indonesia.

Nanangkupooo!

◘◘◘

MAS mababang ranggo raw ang posibleng maging bagong PNP chief.

Huh, madedemoralisado ang mga pulis?

◘◘◘

MAHIRAP talaga ang tumatanda tulad ni P-Digong.

Mahihirapan na siyang magdesisyon nang tumpak!

◘◘◘

BUWENAS naman ang mga caregivers sa paligid ng pangulo.

Hindi maiwasang sila ay maging presidential advisers!

◘◘◘

KUNSABAGAY, ‘yan din mismo ang tsismis sa mga nagdaang pangulo.

Ang mga batikang tagapayo sa Malacañang ay mga sastre at barbero!

◘◘◘

WALA namang ipinagbabawal sa Konstitusyon kaugnay sa mga panggagalingan ng desisyon ng tumatandang pangulo.

Ang mahalaga, sa kabila ng maraming tagapayo — malaya at may diskresyon ang pangulo kung alin sa mga ito ang nais niyang “sundin”!

◘◘◘

SA bandang huli, ang desisyon pa rin ay nasa mga kamay ng aktuwal na pangulo.

Noong panahon ng pagtanda ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, sinasabing nagkaroon daw siya ng problema sa pagdedesisyon!

◘◘◘

ANG pagbagsak ni ex-P-Marcos ay idinidikit sa kanyang mga maling desisyon sa panahon ng pagtanda.

Ibig sabihin, mananatili sana nang matagal sa Malacañang si ex-P-Marcos kung siya ay nananatiling sariwa at malinaw ang mga desisyon!

◘◘◘

KAHIT ang ordinaryong tao, nakasandal ang kanyang tagumpay at kabiguan sa serye ng mga desisyon.

Mas maraming tamang desisyon — mas matagumpay.

Mas maraming maling desisyon, mas bigo!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page