top of page
Search
  • Dr. Persida V. Rueda-Acosta

Masahista, kailangang may certificate mula sa DOH

Dear Chief Acosta, Ako ay masseur at mayroon na akong maliit na massage clinic. Nabanggit sa akin ng aking kaibigan na kinakailangan ko raw makakuha ng sertipikasyon na ako ay rehistrado bilang masahista. Tama ba ito? — Nards

Dear Nards, Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Presidential Decree No. 856 o Sanitation Code. Nabanggit sa Chapter XIII, Section 62 ng nasabing batas na:

“Sec. 62. Personnel The following requirements shall be enforced:

(a) Masseur

1. The person must have a certificate as a registered masseur, issued by the Committee on Examiners for Masseur of the Department. xxx”

Malinaw na nabanggit sa nasabing batas na ang masahista ay kinakailangang makakuha ng sertipikasyon mula sa Committee on Examiners for Massage Therapy mula sa Department of Health upang may patunay na kayo ay rehistradong masahista.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page