top of page
Search
  • Ronalyn Seminiano

Kaya hirap na hirap kumanta, napilitan lang daw sa TNT... Ethel, umaming 6 mos. buntis

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: TWBA

Nakaka-bitter talaga ngayon ang mundo ng showbiz lalo na kung miyembro ka ng single or Camp Sawi, ano?

Recently kasi ay napakaraming showbiz couples ang nag-enjoy sa pamamasyal abroad at napakarami rin ng biglang nagbunyag ng mga relasyon katulad na nga lang ni Karla Estrada. Meron namang nag-propose at na-engaged na katulad nina Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli and Angel Locsin-Neil Arce.

Mukhang happy ang love life ngayon ng showbiz people at hindi nagpahuli sina Anne Curtis at Erwan Heussaff dahil preggy na at last ang aktres-TV host!

Muling nalagyan ni Ethel Booba ng ngiti ang mukha ng madlang pipol sa It’s Show­time dahil sinabi ng ko­medya­na na doble ang bles­sings na natanggap niya. Sabi nga ni Vice, abangan daw ang single ni Ethel under TNT Records as part of her price sa pagiging champion sa Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition pero biro ng gay host, “Kaya lang may naka­lagay sa kontrata. Magka­karoon ka ng single pero dapat single ka rin.”

Hirit naman ni Ethel, “Uy, ano ba ‘yan. ‘Di puwede. Ma­gi­ging triple na nga, eh.” At dito, biglang nagtitili si Vice habang hawak ang kamay ni Ethel.

At si Vhong, panay ang tanong ng “Talaga ba?”

Tanong naman ni Vice, “Ano ‘yun?”

Biro ni Ethel, “Anne Curtis.”

Akala ng lahat ay nagdyo-joke lang siya hanggang sa naging emosyonal na si Ethel nang sinabi niyang, “I’m happy for the gift of life…Kaya nahihirapan akong kumanta… parang lalabas ‘yung bahay-bata ko…”

At du’n na nagulat ang mga hosts na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle at Kuya Kim Atienza.

Sabi pa nga ni Vhong, “Uy, seryoso pala!”

Panay ang bati ng mga hosts kay Ethel at anila ay blessed na blessed daw talaga ito.

Sabi ni Ethel, “Ito kasi ang kulit, eh, (referring to Vice Ganda).”

Sabi naman ni Vice, “Sabi ko kasi sa kanya, ‘Alam mo ang Pilipinas, punumpuno na ng bad news kaya ‘pag merong mga good news silang naririnig, nagbubunyi ‘yung Pilipinas. Nu’ng na-engaged si Angel Locsin, nagbunyi ang Pilipinas. Na-engaged si Sarah Geronimo, nagbunyi ang Pilipinas. Nagkajowa ako, maraming nagbunyi. Nabuntis si Anne Curtis, nagbunyi ang Pili­pinas. Parang lahat tayo, takam na takam sa good news kaya kung may good news ka (Ethel), kung gusto mong i-share, i-share mo kasi gusto namin ng good news… kaya naman... I-share mo naaa!!!”

Kung nasanay ang madlang pipol sa mga ka­okrayan ni Ethel, this time, walang halong echos ang happiness na makikita sa kanya. Aniya, “Double celebration. Double congratulations to me. Si­yempre, ah… ito na nga… oo… 6 months…

“Pasensiya na, ha, hindi ako makabuga, ang sakit talaga ng puson ko. Pinilit ko lang talaga.”

Nakakatuwa ang bali­tang preggy na siya at non-showbiz ang kanyang BF named Jessie Salazar.

Well, congratulations Ethel, from BULGAR family!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page