top of page
Search
  • V. Reyes

Isa pang bagyo, hahataw


Napanatili ng Bagyong Ramon ang lakas nito habang mabagal na kumikilos patungong Cagayan area.

Batay sa huling severe weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang bukas ng gabi o Lunes ng umaga tatama sa kalupaan ang bagyo sa dulong bahagi ng Cagayan Province.

Inaasahang babayuhin ng Bagyong Ramon ang Norhern Luzon sa Martes bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.

Ibinabala ng PAGASA ang mga pag-ulan simula bukas hanggang Lunes.

Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 420 kilometro ng silangan-hilagang silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 75 kilometro kada oras at pagbugso hanggang 90 kilometro kada oras.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca); Silangang bahagi ng Isabela (Maconacon Divilacan, Palanan at Dinapigue); Hilagang Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan).

Samantala, patuloy namang binabantayan ang bagyong nasa labas pa ng PAR na may international name na Fengshen, gayundin ang northeast Monsoon o hanging Amihan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page