top of page
Search
  • Justine Daguno

Dahil wala ka nang nanay na aasahan... Mga dapat tandaan sa pagsosolo ng tirahan


Maituturing na napakalaking hakbang kapag napagdesisyunan mo nang bumukod ng bahay sa iyong mga magulang. ‘Ika nga nila, sa pagkakataong ito, rito mo mararanasan ang tunay na ibig sabihin ng pagiging independent.

Marahil, bago tayo umalis, pinayuhan nila tayong, “Tumawag ka kapag meron kang kailangan.” Pero siyempre, kailangan mo ring maging sapat sa sarili mo kapag nag-iisa ka na.

Kaya naman narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating ma-master para maging madali ang ating “buhay-independent”:

1. PAGBA-BUDGET NG SUWELDO. Ang pagrerenta ng space ang isa sa mga pinakamalaking porsiyento ng ating buwanang gastos, sumunod ang allowance sa pagkain at pamasahe at iba pang ekstrang gastusin.

Malaking bagay na maging madiskarte sa pagba-budget ng suweldo, gumawa ng listahan o mag-download ng mga biller apps para makapag-budget o ma-monitor ang iyong gastusin.

2. ALAMIN KUNG PAANO MAGING HANDA SA EMERGENCY. Hindi natin masasabi kung ano ang mga puwedeng mangyari kaya dapat maging handa, lalo na kapag namumuhay kang mag-isa.

I-print ang mga hotline ng emergency at idikit ito sa refrigerator o saanman na madali itong makikita at make sure na meron kang first aid kit.

3. PAGPAPLANO NG MGA GAGAWIN SA BUONG LINGGO. Tunay na masusubukan ang iyong time management kapag naninirahan ka na sa sarili mong space. Mula sa schedule ng paglalaba, paggo-grocery, pagbisita sa mga magulang mo o pakikipagkita sa mga friends mo at iba pang gawain.

Para hindi magkalabu-labo ang mga gagawin at lakad mo, siguraduhing susundin mo ang iyong iskedyul o listahan ng pang-araw-araw na dapat gawin para organized ang buong linggo.

4. PAG-AARAL NG MGA DO-IT-YOURSELF (DIY). Alamin at pag-aralan mo kung paano gumawa o isaayos ang maliliit na bagay.

Sa panahon ngayon, kaunting scroll lang sa social media, partikular ‘yung mga DIY videos ay puwede na tayong matuto ng maraming kaalaman.

Mula sa paggawa ng extension chord hanggang sa tamang pagtanggal ng mantsa sa labada ay puwede nating matutunan.

5. PAGGAWA NG MEAL PLANS. Ang katapusan ng linggo ang magandang pagkakataon para gumawa ng ‘meal plan’ para sa susunod na linggo.

Kailangan mo itong ma-master dahil kapag hindi mo ito nagawa nang tama, siguradong madadale ang budget mo.

Sa totoo lang, hindi madali ang bumukod dahil marami at malaking adjustments ang dapat mong gawin.

Kumbaga, mag-uumpisa ka talaga sa wala hanggang sa masanay ka na lang sa sarili mong sistema.

Ganern!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page