top of page
Search
  • Jeff Tumbado

8 sundalo nadale sa Sayyaf


Walong sundalo ang sugatan sa engkuwentro sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.

Nabatid sa ulat ng Western Mindanao Command, nagkrus ang landas ng tropa mula sa Joint Task Force Sulu at ng ASG sa Bgy. Buhanginan.

Nasa 40 terorista na nasa ilalim nina Hatib Hajan Sawadjaan at Radullan Sahiron ang nakaengkuwentro ng tropa na tumagal ng halos 40 minuto.

Ginagamot na ang walong sugatang sundalo habang hindi naman mabatid kung ilan ang mga nasugatan o nasawi sa panig ng kalaban.

Kasunod ng engkuwentro, tiniyak ni WesMinCom Lt. Gen. Cirilito Sobejana na patuloy na palalakasin ang operasyon laban sa mga terorista sa Sulu at sa mga lalawigang nasa kontrol ng WesMinCom.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page