Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Speaker Cayetano, na-monitor ang 3 araw na todo-kuda ni VP Leni, pero 3 taong patayan sa droga, nakalusot!

November 15, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

TATLONG TAONG PATAYAN AT PUSLITAN NG SHABU, HINDI NA-MONITOR NI SPEAKER CAYETANO? — Sabi ni Speaker Alan Peter Cayetano, sa loob daw ng tatlong araw na pag-monitor niya kay VP Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Coordinating on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay puro dada lang ang inatupag nito sa publiko.


‘Yung tatlong araw na dada ni VP Leni sa publiko, na-monitor ni Speaker Cayetano, pero ang tatlong taong patayan sa “drug war” at puslitan ng shabu sa Bureau of Customs (BoC), hindi niya na-monitor, boom! 


◘◘◘


DAPAT NANALAMIN MUNA SI JAY SONZA BAGO NILAIT ANG MUKHA NI MARIA RESSA — Pinuputakti ngayon  ng mga batikos ang DDS at dating broadcaster na si Jay Sonza dahil sa post niya sa social media kung saan ilang beses nitong nilait-lait ang pisikal na anyo ni Maria Ressa, co-founder ng Rappler.


Sana, bago nilait ni Sonza si Maria Ressa ay nanalamin muna siya kasi sa totoo lang ay hindi naman ‘guwapo’ ang kanyang hitsura, period! 


◘◘◘


APAT NA TAUHAN NI GEN. BALBA, TIMBOG   NA  NAMAN  SA  EXTORTION —Sablay talaga ang pagtalaga ni  PNP-OIC Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa kay Gen. Bernabe Balba sa Manila Police District (MPD) kasi noong Eastern Police District (EPD) director pa ito, nasibak ito sa puwesto nang mahuli ng tropa ni ex-NCRPO Director Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang tauhan niyang si Cpl. Marlo Quebete na nangingikil sa drug suspect sa Pasig City. 


At ngayong MPD director na siya, apat na tauhan din niya na sina Cpl. Nickson Mina, Cpl. Juan Guzman, Cpl. Francis Gagarin at Pat. Tom Hikilan ang hinuli ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) dahil sa pangingikil din sa drug suspect sa Maynila.


Paano titino ang PNP kung ang tulad ni Gen. Balba na sinibak na sa puwesto ay ipino-promote pa? Pwe!


◘◘◘


NGAYONG  PANAHON  NI  GEN. BALBA SA MPD, DUMAMI ANG PULIS NA “TONGPATS”  COLLECTORS —  Bukod sa pulis na si “Tata Delo”, ginagamit din daw ng mga parak ding sina “Tata Itoy” at “Tata Jokson” ang pangalan ni Gen. Balba para makapanghingi ng “tongpats” sa bookies nina “Boy Abang” at “Paknoy” at sa lotteng nina “Don Ramon” at “Jun Moriones” sa Maynila.


Ngayon lang nangyari ‘yan — ngayong panahon ni Gen. Balba — dumami ang mga pulis na “tongpats” collector sa Maynila, buwisit!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr