top of page
Search
  • Jeff Tumbado

Sa loob ng casino.. Tserman binaril sa bibig, todas


Patay sa pamamaril ang kasalukuyang pangulo ng Association of Barangay Captains (ABC) habang ito ay nasa loob ng isang Electronic Casino o E-casino sa Bauang, La Union, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center sanhi ng isang tama ng bala sa mukha ang biktimang si Noel Gallardo, barangay captain ng Pagdalagan Sur.

Nakilala naman ang suspek na si Jeffrey Escobal na agad tumakas sa lugar bitbit ang .45 baril.

Ayon kay Police Regional Office 1 Director Brig. General Joel Orduna, nangyari ang insidente habang ang biktima ay naglalaro ng slot machine.

Nilapitan umano ni Escobal si Gallardo at walang sabi-sabing binaril ito sa bibig na tumagos sa kanyang batok.

Sinasabing magkakilala umano ang dalawa at palaging nagkakausap sa loob ng gusali ng e-Casino.

Palaisipan sa mga awtoridad kung ano ang dahilan ni Escobal para barilin at patayin si Gallardo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page