top of page
Search
  • Maestro Honorio Ong

Malas sa paghahanap ng trabaho matatanggap kung magsusuot ng Yellow, Orange at Black

Dear Maestro, May maganda akong trabaho noon, kaya lang mula nang maaksidente ako sa motorsiklo ay nawalan ako ng motor at trabaho. Medyo magaling na ako ngayon kaya nakapag-a-apply na ako ng trabaho. Ang problema, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatanggap. Kailan kaya ako muling makapagtatrabaho? Tadtad na kami ng utang, gayung magpa-Pasko pa naman. February 4, 1987 ang birthday ko.

Umaasa, Louie ng San Gavino, Victoria, Tarlac

Dear Louie, Ayon sa birthday mong 4, sa destiny number na 4 din (2+4+1987=1993/ 19+93=112/ 11+2=13/ 1+3=4) at sa zodiac sign na Aquarius, upang madali kang matanggap sa trabaho, palagi kang magsuot ng mapalad mong kulay na dilaw, orange o itim tuwing ikaw ay mag-a-apply o mag-aasikaso ng iyong mga papeles.

Bukod sa nasabing mga kulay, likas ka ring magiging mapalad mula sa ika-19 ng Setyembre hanggang sa ika-31 ng Oktubre, mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-22 ng Pebrero at mula sa ika-19 ng Mayo hanggang sa ika-28 ng Hunyo, higit lalo sa mga araw ng Linggo, Lunes, Sabado at Biyernes.

Ang batong amethyst na ipalalamuti sa gintong singsing ang magsisilbing talisman na panghigop ng suwerte at pantaboy ng negatibong kapalaran. Makatutulong din sa iyo upang mabilis na magkaroon ng trabaho at makaahon sa mga pagkakautang ang pakikipagkaibigan at pakikipagkuwentuhan sa mga taong may zodiac signs na Libra, Gemini, Leo, Virgo at kapwa mo Aquarius, higit lalo silang may mga birth date na 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, 28, 8, 17 at 26.

Sa sandaling nasunod mo ang mga simpleng rekomendasyon sa itaas, tiyak ang magaganap ngayong buwan, bago sumapit ang Pasko, magkakaroon ka na ng permanenteng trabaho, unti-unting makaaahon sa mga pagkakautang hanggang sa tuluyan nang umunlad at umasenso ang kabuhayan ng inyong pamilya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page