Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Bawas-trapik.. 4-day work week, oks — Palasyo

November 15, 2019

 

Bukas ang Malacañang sa mga  rekomendasyon hinggil sa apela ng ilang mambabatas na  ikonsidera ng Malacañang ang 4-day work week para sa non-frontline offices ng pamahalaan.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pakikinggan nila  ang lahat ng rekomendasyon na magmumula sa lahat  ng ahensiya ng gobyerno,  kabilang  na ang Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa naturang isyu.


“Pag-aaralan iyon ng MMDA, eh. MMDA ang nag-aano nu’n  eh, kung ano ang rekomendasyon nila. Wala pa, they are still under study,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.


“Exactly! We will wait for their recommendation,” dagdag pa ni Panelo.


Matatandaang, inihayag ni House Minority Leader Bienvenido Abante, Jr., na isinusulong ng Minority Bloc ang adoption ng 4-day work week sa private sector at non-frontline national government offices  o ang mga ahensiya ng pamahalaan na wala namang kinalaman sa pagresponde sa emergency situations, health system at ‘yung mga hindi direktang nagbibigay ng serbisyo sa publiko, bilang isang paraan sa pagpapagaan ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.


Apela rin ng mga mambabatas ang pagma-maximize  ng  Telecommuting Law o ang Work from Home Law.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr