top of page
Search
  • Sr. Socrates Magnus II

Air bath, dapat gawin para palayasin ang malas at buwenasin ang bahay

Bigyang-daan natin ang mga kaalaman tungkol sa pagpapabuwenas at pagpapaalis ng kamalasan sa bahay o tirahan. Marami ang nag-aakala na ang bahay ay malas kapag ang mga nakatira ay nakararanas ng hindi magagandang pangyayari. Para mawala ang sinasabing kamalasan, narito ang ilang simpleng paraan.

1. Kailangang makapasok ang sariwang hangin sa loob ng bahay. Dahil dito, mahalagang buksan ang isa o ilang bintana ng bahay para pumasok ang bago at sariwang hangin.

2. Pero kailangang isara ang ibang bintana nang sa gayun ay hindi makalabas ang pumasok na hangin. Buksan din ang mga ito pagkatapos ng dalawa o tatlong oras.

3. Ang pumasok na hangin na naglinis ay dapat makalabas dahil dala nito ang mga negatibong puwersa na nakuha sa bahay.

Ang ganitong paraan ay umaayon sa tinawag na ‘air bath’. Maaaring ngayon lang narinig ng karamihan ang air bath dahil ang bath o paliligo ay kadalasang ginagamitan ng tubig.

Gayunman, ang air bath ay ipinapayo ng mga dalubhasa para sa tamang pag-aalaga sa mga bata kung saan kailangang nakahubad ang bata para mahanginan dahil ang hangin ay malakas na puwersang naglilinis sa bata.

Air bath din ang tawag sa pagpapahangin sa bahagi ng katawan na laging nakatago o natatakpan ng kasuotan kung saan ang bahagi ng katawan na ito ay dapat mahanginan para mawala ang masamang amoy at mapatay ang mga mikrobyo na nananahan sa nasabing bahagi ng katawan.

Ito rin ang tawag sa pagsasagawa ng paghinga kung saan papapasukin ang sariwang hangin sa katawan sa pamamagitan ng regulated exhale and inhale. Kapag ginawa ito, ang tao ay lumalakas, nananariwa ang katawan, gumagaling ang karamdaman at nawawala ang negatibong enerhiya, galit at poot sa katawan.

Kaya madalas nating naririnig na huminga nang malalim kapag galit dahil kapag nailabas na ang hangin sa malalim na paghinga ay mahimalang nawawala ang galit. Kaya kahit medyo mahirap paniwalaan, pero madali at simple lang gawin, mahigpit na inirerekomenda na gawin ang air bath sa bahay na ayon sa nakatira ay may dalang kamalasan.

(Itutuloy)

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page