Nagpiyansa sa libel at cyber libel.. Iba pang kaso kay Tulfo, tuloy

November 14, 2019

 

Nagpiyansa ang kolumnistang si Ramon Tulfo sa kasong libel at cyber libel na isinampa sa kanya ni Executive Sec. Salvador Medialdea. 


Sa November 8 order ni Manila Regional Trial Court Branch 12 Judge Renato Enciso, nagpiyansa ng P60,000 si Tulfo upang maiwasang makulong habang dinidinig ang kaso. 


Nauna rito,  nagsampa ng kaso si Medialdea laban kay Tulfo sa serye ng kolum na inilabas na umano’y nakasira sa kanyang pangalan. 


Sa kolum na inilabas noong July 20, na pinamagatang “There goes Cayetano as House Speaker, also Medialdea,” inakusahan ni Tulfo si Medialdea na naglabas ng memorandum na wala umanong kaalam-alam si Pangulong Rodrigo Duterte, upang atasan ang lahat ng government agencies at GOCC na suportahan ang kontrobersiyal na Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation at July 25 nang inakusahan din ang executive secretary na inupuan nang isang taon ang apela ng isang Felicito Mejorada sa claim nito sa P272.02-M government reward money. 


Sa July 25 kolum, inakusahang muli ni Tulfo si Medialdea na nasa likod umano ng isang Vianney D. Garol na humingi ng P72-M mula kay Mejorada bago maibigay ang reward money. 


Tahasang itinanggi ng executive secretary ang mga akusasyon at sinabing wala siyang inilabas na memo pabor sa PHISGOC at ang apela ni Mejorada ay naaksiyunan umano sa loob ng tatlong buwan. 


Kinahaharap din ni Tulfo ang kasong libel at cyber libel mula sa ibang government officials, kasama  na ang Bureau of Internal Revenue Commissioner na si Caesar Dulay at dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.