top of page
Search
  • Maeng Santos

Bebot na tulak, huli


Dalawa katao kabilang ang 18-anyos na bebot na tulak umano ng ilegal na droga ang arestado sa buy-bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na sina Orlando Ocampo alyas Body, 45, listed/user at Chrizialyn Pingol alyas Desiree, kapwa ng Bgy. Longos.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Ramos Timmago, alas-12:30 ng hatinggabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, kasama ang PDEA-CAMANAVA ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa kanilang bahay.

Matapos tanggapin ni Pingol ang P300 marked money mula sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad itong sinunggaban ng mga operatiba kasama si Ocampo.

Narekober kay Pingol ang tatlong sachets ng shabu at buy-bust money habang nakumpiska naman kay Ocampo ang limang sachets ng shabu na tumitimbang ng 1.86 grams at nasa P12,648 ang halaga.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page