top of page
Search
  • Jeff Tumbado

Bawas-trapik.. Lahat ng kalsada sa M. MLA., gawing mabuhay lanes


Iminumungkahing gawing Mabuhay Lanes o express routes ang lahat ng kalsada sa Metro Manila bilang solusyon sa pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na ngayong Holiday Season.

Ayon kay Marikina City Rep. Bayani Fernando, dati ring chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nangangahulugan ito na kailangang malinis ang lahat ng lansangan mula sa anumang uri ng sagabal para gawing Mabuhay Lanes.

Tinukoy ng kongresista na sa Metro Manila ay may 5,800 kilometro ang kalsada pero, nasa 20 porsiyento lamang ang nagagamit na daanan.

Kasabay nito, pinuna ni Fernando ang MMDA sa kabiguan pa rin na gawan ng solusyon ang bus system sa Metro Manila.

Giit ni Fernando, kung nabibigyan ng prayoridad sa EDSA ang mga bus at magiging maayos ang sistema ng pagdispatsa nito, tiyak na maraming may-ari ng pribadong sasakyan ang pipiliing mag-commute.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page