top of page
Search
  • V. Reyes

Mga biktima ng lindol, inulan ng yelo, binaha, sinalanta ng buhawi


Lalong naging pahirapan ang sitwasyon ng mga bakwit sa Makilala, North Cotabato makaraang daanan ng buhawi at pag-ulan ng yelo, Lunes ng hapon.

Nasira ng mala-buhawing lakas ng hangin at ulan ang mga tent sa mga evacuation sites sa nasabing bayan at nabuwal din ang mga puno at poste ng kuryente roon.

Kasabay ng malakas na ulan at hangin ay ang pag-ulan ng yelo sa nabanggit na bayan. Binaha rin ang ilang bahagi ng evacuation area dahil sa mga pag-ulan.

Agad nang nagpadala ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Cotabato, gayundin ang Office of Civil Defense para sa mga naapektuhang pamilya. Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nabuwal na tent at puno.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page