Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dept. of Water, aprub

November 13, 2019

 

Inaprubahan na ng joint committee on Government Reorganization at Public Works and Highways ang panukalang paglikha ng Department of Water Resources.


Aabot sa 35 panukalang-batas kaugnay sa paglikha ng departamento ang pinag-isa ng technical working group.


Magiging mandato ng Department of Water Resources ang pagbuo ng mga komprehensibong pagpaplano, mga polisiya, programa at proyekto upang masigurong may sapat na suplay ng tubig sa lahat  ng maaaring paggamitan nito tulad ng malinis na inumin, sanitasyon, irigasyon, hydropower at flood control.


Kasama rin sa magiging trabaho nito ang pag-regulate at pagkontrol ng water resources pati na ang implementasyon ng mga batas tungkol sa pangangasiwa ng tubig sa bansa.


Sa ilalim ng panukala, may ilang tanggapan ang mabubuwag at ia-absorb ng Department of Water, kabilang ang National Water Resources Board at ang trabaho naman ng ibang ahensiya at bureau ay ililipat na rin sa magiging bagong departamento.


Kasabay nito ang pagbuo ng independent regulatory at quasi-judicial body na tatawaging Water Regulatory Commission.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr