top of page
Search
  • V. Reyes

Bagyong Ramon, hataw


Lumakas pa at naging ganap nang bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang Bagyong Ramon sa layong 835 kilometro ng silangan-timog silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa mata nito at pagbugsong hanggang 70 kilometro kada oras. Kumikilos ang Bagyong Ramon sa bilis na 10 kph. Inaasahang lalakas pa ang bagyo sa mga susunod na oras.

Ayon sa PAGASA, asahan na ang paminsan-minsang malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Samar Provinces, Romblon, Marinduque at Southern Quezon.

Mahina hanggang sa may kalakasang pag-ulan naman ang inaasahan sa Isabela, Quirino, Northern Aurora, Polilio Island at Camarines Norte.

Ganito rin ang panahon sa Aklan, Capiz, Romblon, Marinduque, Southern Quezon at iba pang bahagi ng Bicol Region.

Maaaring maitaas ang tropical cyclone wind Signal No. 1 sa Eastern Samar at sa silangang bahagi ng Northern Samar.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page