Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

VP Leni, suportado ng simbahan sa drug war

November 11, 2019

 

Aprubado sa mga opisyal ng Simbahang-Katolika ang pagiging drug czar ni Vice-President Leni Robredo.


Katunayan, ang isa sa kritiko ng Duterte administration na si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ay suportado ang hakbang ni Robredo.


Ayon kay David, hanga siya sa pagiging matapang ng bise-presidente para isulong ang makataong  pamamaraan sa pagsugpo sa talamak na suliranin ng droga sa bansa.


Tiniyak din ni David na kaisa ang Simbahan sa pagtugon sa mga suliraning panlipunan subalit, iginiit ang paggamit ng wasto at makataong pamamaraan.


Pinuri naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang pagtanggap ni Robredo na maging bahagi ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).


Umaasa si Pabillo na sa pagtanggap ni Robredo na maging drug czar ay magkaroon ng pagkakaisa ang gobyerno tungo sa pagsulong at sa ikalulutas ng suliranin sa ilegal na droga.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr