Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

VP Leni, hindi makaporma sa war on drugs, barado agad sa mga bata ni P-Digong

November 11, 2019

Pablo L. Hernandez III / Prangkahan

 

TILA MAPAPAAGA ANG PAGRE-RESIGN NI VP LENI SA ICAD—Bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), nais ni VP Leni Robredo na itigil na ang “tokhang”, pero ayaw ni PDEA Director Aaron Aquino na itigil ito dahil malaki raw ang naitutulong ng “tokhang” sa paglaban sa droga. Nais din ng VP na itigil ang patayan, na tila ayaw din ni NCRPO Director Gen. Debold Sinas dahil maoobliga raw ang mga pulis na pumatay kapag nanlaban ang pusher at adik at nais din ni VP Leni na i-rehab ang mga adik na ayon kay DOH Sec. Francisco Duque III, kulang daw sila sa tao at pondo para “manggamot” at mangalaga ng mga nasangkot sa ilegal na droga.


Naku, tila mapapaaga ang pagre-resign ni VP Leni sa ICAD kasi lahat ng gusto niya ay kinokontra ng mga alagad ni P-Duterte, boom!


◘◘◘


BAKIT KAYA NAWALA ANG TAKOT KAY GEN. DANAO NG MGA JUETENG LORDS SA CAVITE AT LAGUNA? — Nang italagang director ng PNP-Region 4-A noong Oct. 20, 2019 ang taga-Davao City na tauhan ni P-Duterte na si Brig. Gen. Vicente Danao Jr., dahil daw sa takot ay itinigil ng mga ilegalista ang mga raket nila sa Southern Tagalog Region.


Ito na ang siste, makalipas lang ang isang linggo ay nag-start nang mag-operate ulit ang jueteng ni “Areza” sa Cavite at pumoporma na rin daw sina “Jaruta”, “Toce” at “Alvarez” na magpa-jueteng sa Laguna.


Magkano, este, ano kaya ang dahilan kung bakit tila nawala ang takot ng mga ilegalista sa taga-Davao na tauhan ni P-Duterte? Abangan!


◘◘◘


MAY “NO TAKE POLICY” SI GEN. GAMBOA, PERO JUETENG NI “AREZA”, ARANGKADA PA RIN SA CAVITE—Sa ngayon, namamayagpag na raw nang husto sa buong Cavite ang raket na jueteng ni “Areza”.


Imbes na ipa-”tokhang” ni Cavite PNP Director Col. William Segun si “Areza” dahil may direktibang “no take policy” sa mga ilegalista si PNP-Officer-in-Charge (OIC) Lt. Gen. Archie Gamboa, eh, walang hulihang naganap at sa halip ay mas lumaganap pa ngayon ang raket na jueteng sa lalawigang ito, buwisit!


◘◘◘


DRUG LORD ‘TISOY’ NG BATANGAS, BINEBEYBI RAW NG MGA ‘NINJA COPS’?—Ayon kay PNP-Drug Enforcement Group (DEG) Deputy Chief Col. Alex dela Cerna, base raw sa data ay sa Luzon may pinakatalamak na drug problem sa bansa.


Talagang talamak ang drug problem sa Luzon kasi ang mga pipitsugin lang ang tino-”tokhang” ng PNP at ang mga bigtime na source ng shabu tulad ng isang “Tisoy” na taga-Padre Garcia, Batangas ay binebeybi raw ng “Ninja Cops”, buwisit!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr