top of page
Search
  • VA

UST, pinoproblema pa ng UP nakahirit ng do-or-die game


Sa ikatlong sunod na pagkakataon ngayong taon, pinadapa ng University of Santo Tomas ang University of the Philippines, 89-69 upang makahirit ng do-or-die game para sa pinaglalabanang huling finals berth ng UAAP Season 82 Men’s Basketball Tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Binura ng Tigers ang taglay na twice-to-beat advantage ng second seed Fighting Maroons para buhayin ang tsansa na makopo ang pagkakataon na harapin ang defending champion Ateneo sa kampeonato.

“It’s all about execution - execution both on offense and defense. Lahat ng instructions ko, sinunod ng players,” ayon kay head coach Aldin Ayo.

Banderang tapos ang ginawa ng Tigers bagamat nagkaroon ng pagkakataon ang Maroons na tapyasin ang double digit nilang lamang sa siyam, 63-72, may 3:12 pang nalalabi sa laro.

Ngunit saglit lamang ito dahil muling rumatsada ang UST at nagsalansan ng 16-2 blast na tinampukan ng back-to-back triple nina Sherwin Concepcion at Mark Nonoy upang palobohin ulit ang lamang, 85-65.

Pinangunahan nina Rhenz Abando at Soulemane Chabi Yo ang panalo sa ipinoste nilang tig-17 puntos. Kasunod nila sina Nonoy at Concepcion na may 16 at 12 puntos.

Sa kabilang dako, namuno naman sa Maroons si Juan Gomez de Liano na may 20 puntos.

Mga laro sa Miyerkules Mall of Asia Arena 12 noon – UST vs FEU (Women Step-ladder) 4 p.m. – UST vs UP (Men Step-ladder)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page