Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tips para makapagpatawad kahit sobrang hirap gawin

November 11, 2019

 

 

 

Ang pagpapatawad  ay pag-aalis ng sama ng loob sa taong nagkasala. Ngayong parating na ang Pasko, patawarin na natin ang mga taong nakasakit o nakagawa ng mali sa atin. Masarap sa pakiramdam ang magpatawad at humingi ng kapatawaran dahil mas hindi magandang mabuhay nang may samaan ng loob.


Gayundin, nagkakaroon tayo ng kapayapaan at kaayusan sa puso, walang bigat o hinanakit na madarama. Anu-ano ang dapat gawin kapag nagpatawad?


1. MAGING TOTOO. Huwag kang magkukunwari na napatawad mo ang sinumang nagkasala sa iyo dahil hindi ito healthy sa puso. 


Kung magpapatawad ka, siguraduhin mong handa ka na dahil kung hindi naman ito totoo, ano pa ang sense, ‘di ba?


2. HUWAG MAGTANIM NG GALIT. For sure, alam natin na walang magandang maidudulot ang pagtatanim ng sama ng loob. Ayon sa mga eksperto, madali kang makararamdam ng  depresyon  at high blood kung magtatanim ka ng sama ng loob.


Kapag sumabog ang iyong emosyon, puwede itong makasira sa iyong pagkatao at magbabago rin ang tingin sa‘yo ng mga nasa paligid mo. 


Kaya mga besh, kung magpapatawad ka, gawin ito nang buong-puso at huwag magtanim ng galit.


3. PATAWARIN ANG SARILI. Minsan, kailangan nating patawarin ang ating sarili dahil sa mga pagkakamaling nagawa natin. 


Kahit napatawad na tayo ng mga taong nasaktan o nagawan natin ng mali, tayo ang hindi nagpapatawad sa ating sarili. 


Dahil dito, kasabay ng pagbabago, patawarin din ang sarili nang sa gayun ay maka-move on.


4.  MAGPATAWAD  70 X 7. Ayon sa Mateo 18:21-22, magpatawad tayo nang 70 x 7 beses. Ibig sabihin, magpatawad nang maraming beses kahit mahirap itong gawin, lalo na kung hindi ito ang unang beses na nagkasala sa atin ang humihingi ng tawad. 


Mga besh, matutong magpatawad dahil makatutulong ito para mawala ang negative emotions at mental stress. Gayundin, ito ang magiging dahilan upang magkaroon ng kapayapaan ang ating kalooban. 


5.  MAHALIN ANG KAAWAY. Sabi sa Mateo 5:44, “Mahalin mo ang iyong kaaway.” Yes! Hindi madali, besh, pero kailangan. Tulad ng nabanggit, huwag magtatanim ng galit sa puso at palayain ang sarili mula rito. 


Sa halip na kagalitan ang taong nagkasala, mas mabuting mahalin siya at huwag kang gaganti gaanuman kalala ang naging alitan n’yo.


Mga besh, hindi man madaling  magpatawad, ito ang makatutulong sa inyo upang magkaroon ng peace of mind kahit kayo ay nasaktan. 


Kung kayo ang nagkamali, huwag matakot humingi ng tawad dahil sa totoo lang, hindi ito mahirap gawin. 


Gets mo?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr