Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Team Duterte sa ‘zero killings’ na drug war ni VP Leni.. Mga drug lords, ‘wag i-baby

November 11, 2019

 

Full support si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice-President Leni Robredo sa mga plano at aksiyon nito laban sa droga matapos italaga bilang drug czar ng bansa. 


Ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go, ikinatuwa rin ng pangulo noong tanggapin ni VP Leni  ang alok sa kanya bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drug (ICAD). 


“Buo ang suporta ng Duterte administration. We want her to succed, basta para sa kabutihan ng mamamayan ay full support namin siya,” ayon sa senador. 


Sinabi pa ng mambabatas na  kung kaya ng bise-presidente na mapataas ang satisfaction ratings ng administrasyon sa war on drugs ay mas maganda. 


Aniya, ang 82 percent satisfaction ratings ng publiko sa Duterte administration sa giyera kontra droga ay patunay lang na nasisiyahan at kuntento ang sambayanan sa ginagawa ni Pangulong Digong para masugpo ang problema sa droga. 


Pinaalalahanan din ni Go ang lady drug czar na huwag i-baby ang mga drug lord dahil halang ang kaluluwa ng mga ito. 


Nauna nang sinabi ni VP Robredo nang maupo bilang co-chairman ng  ICAD  na ‘zero killings’ ang nais na mangyari sa war on drugs.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr