Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tamang pamasko, mga tindero sa kalsada, balik!

November 11, 2019

Nararamdaman n’yo rin ba ‘yung parang hindi kumpleto ang kapaskuhan kapag hindi tayo nakakapag-Divisoria?


Bagama’t, ‘yung Divisoria kasi noon ay hindi mahulugang-karayom sa sobrang dami ng mamimili na halos magkapalitan na ng mukha, laban pa rin dahil dito mas mura ang mga bilihin.


Hanggang sa magbago ng pamunuan at kasabay nito ang pagbabago ng sistema. ‘Yung kalsada at bangketa na sinakop na ng mga nagtitinda at naka-illegal parking ay binawi ng gobyerno at ibinalik sa mga sasakyan at tao. 


At naging maluwag, maaliwalas at malinis ang Divisoria — namangha ang mga mamimili at motorista. 


Ngunit, nang lumuwag, umaliwalas at luminis ang Divisoria — ‘nganga’ naman ang mga nagtitindang todo-pakiusap na kahit isang metro lang ay bigyan sila.


At dininig nga ang pakiusap ng mga tindero. Habang papalapit ang kapaskuhan, pinayagan silang bumalik sa Divisoria nang may kondisyon. Dapat ay 1 meter by 1 meter lamang ang sukat ng stall para  makadaraan pa rin ang mga tao at sasakyan sa pupuwestuhan. 


Ang batas ay ginawa, ipinatutupad at sinusunod hindi lang para sabihing may gobyerno kundi para makita na kaya nating maging disiplinado. Hindi tayo sumusunod para lang makaiwas sa mga nanghuhuli kundi para ipakita na kaya nating rumespeto sa batas at sa kapwa. 


Mapatindero, mamimili, motorista o alagad ng batas ay tiyak iisa lang ang ating gusto, ang maging maayos ang Divisoria at sana sa lahat din ng pampublikong pamilihan at lugar.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr