Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Snatcher, dugo-dugo gang, akyat-bahay, riding-in-tandem, etc., magbo-volt-in ngayong kapaskuhan

November 11, 2019

Bong Revilla / Anak ng Teteng!

 

Taranta, pananabik at kung anu-anong emosyon ang ating nararamdaman tuwing papalapit na ang Disyembre. Ito ay dahil masyadong eksaherado ang mga Pinoy pagdating sa pagdiriwang ng Pasko.


Pagpasok pa lamang ng Agosto, sumisilip na si Jose Mari Chan at pagtungtong ng Setyembre ay nagsisimula nang magpatugtog ng mga Christmas songs hindi lamang sa radyo kundi maging sa mga shopping malls ay wala na itong hinto.


Maging sa pagpasok ng Undas, Christmas songs na ang tugtog sa mga sementeryo at may mga shopping malls na may mga Christmas decoration na at siyempre, marketing strategy ito para mapaaga ang pamimili ng mga tao o makapagplano na para makapamili agad pagkatanggap ng bonus.


At hindi lamang mga empleyado ang nagpaplano dahil maging ang mga masasamang-loob ay nag-iisip ding maghanda ng sagana ngayong Kapaskuhan ngunit, ang kaibahan ay ayaw nilang magbanat ng buto. Tsk!


So, sa ganitong pagkakataon tayo dapat ang mag-ingat — sa mga modus-operandi na bago man o luma ay naglalabasan para makapambiktima dahil alam ng mga kawatan na maraming umiikot na pera sa pamilihan tuwing Kapaskuhan.


Unang-una, ang pagpapakalat ng mga pekeng pera, karaniwan ay isang libo o tiglilimandaan, tulad ng nasakote kamakailan sa Cebu na umabot sa P24,000 ang peke nitong tigliliman daang piso.


Ibig sabihin, ngayon pa lamang ay nagkalat na ang mga pekeng perang sa buong bansa dahil may mga nahuhuli na, kaya dapat ay doble ang gawin nating pag-iingat baka tayo ang maging susunod na biktima.


Inaasahang tataas din ang insidente ng snatching at robbery holdup lalo pa at uso na ang riding-in-tandem na gumagawa ng mga petty crimes na wala ring pakialam kahit masaktan ang biktima maisagawa lang ang krimen.


Daragsa na rin ang namamalimos, mga dayo mula sa iba’t ibang probinsiya at may peke na karaniwan ay miyembro ng sindikato na nagpaparenta ng sanggol para mamalimos.


May mga grupo rin na mino-monitor ang mga bahay na iniiwan dahil nagbabakasyon ang mga may-ari saka nila lolooban, karaniwang target  ay ‘yung mga nagpo-post sa social media na sila ay nasa bakasyon kaya dapat maging maingat.


Ultimo ang Dugo-Dugo Gang na napakaluma na ng istilo ay umaatake dahil marami pa ring kasambahay ang napapaniwala nila na ang kanilang amo ay kailangan ng pera dahil naaksidente, ang natatarantang kasambahay naman ay ibibigay lahat ng puwedeng ibigay, ‘yun pala ay modus lamang!


Ang Salisi Gang, kahit hindi Pasko nakakalat ang mga ‘yan at karaniwan silang umaatake sa mga shopping malls, restaurant o food court na binubuo ‘yan ng tatlo hanggang lima katao o mas marami pa.


Inaabangan ng mga ‘yan ang mga taong gutom na gutom na mukhang mayaman na may dalang bag at habang abala sa pagkain ay may aagaw ng atensiyon nito saka daramputin ang nakalapag na bag.


Hanggang sa mga masisikip na lugar tulad sa Baclaran at Divisoria o kahit Simbahan pa basta siksikan ang mga tao ay tiyak na naglipana riyan ang mga mandurukot kaya doble-ingat.


Wala namang bagong estilo ng panloloko o pagnanakaw, nagpapalamig lang ang mga ‘yan, pero ngayong Kapaskuhan ay tiyak na sabay-sabay aatake ang mga ‘yan kaya dapat mag-ingat!


Anak Ng Teteng!

May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ANAK NG TETENG! ni BONG REVILLA sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa anak­ng­teteng.bulgar@ gmail.com

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr