Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Seaman at GF, susuwertehin kung pula, lavander o green ang motif sa kasal

November 11, 2019

Maestro Honorio Ong

 

Dear Maestro,
Limang taon na kami ng boyfriend ko na seaman at gusto kong malaman kung kami na ang magkakatuluyan? 
At sa kanyang pag-uwi galing sa abroad, balak na naming magpakasal. 
Matutuloy ba ang kasal at magiging maligaya kaya ang papasukin naming pag-aasawa at uunlad ang aming itatayong pamilya? 
April 3, 1991 ang birthday ng boyfriend ko at August 15, 1990 naman ako.


Umaasa,
Marichu ng Busuran 1st, Pandi, Bulacan

 

Dear Marichu,
Ang zodiac sign mong Leo at Aries ng boyfriend mo ay kapwa pinaghaharian ng elementong fire o apoy, habang ang birth date mong 15 o 6 (1+5=6) at 3 naman ang boyfriend mo ay nagsasabing, bukod sa zodiac sign, sadyang compatible rin kayo sa birth date.


Ayon sa Western Astrology, ang pagsasama ng dalawang tao na kapwa nagtataglay ng fire element ay suwetung-suweto sa isa’t isa, gayundin ang numerong 6 at 3 ay kapwa nasasakupan ng numero na series of 3-6-9.


Upang maging maligaya at maging successful ang papasukin n’yong pag-aasawa sa 2020 o 2021, itapat ang pinaplanong pagpapakasal sa buwan ng June hanggang July o November hanggang December, sa mga piling petsang 6, 15, 24, 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 5, 14 at 23, higit lalo sa mga panahong nasa first quarter hanggang new moon o full moon.


Pula o violet, lilac, lavander o asul naman ang gamitin n’yong motif sa kasal at puwede ring green upang sa ganyang paraan, sigurado na ang magaganp, magtatamo kayo ng maunlad, masagana at maligayang pagpapamilya, habambuhay.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr