Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pahiwatig na hindi dapat isnabin at solohin ang problema

November 11, 2019

Socrates Magnus

 

Salaminin natin ang panaginip ni Sandro ng Sandro_Mharvin@facebook.com

 

Dear Professor,
Napanaginipan ko na nakasakay ako sa barko at nasa unahan ako. 
Nakatayo ako sa second floor ng parang Montenegro na barko. Kalmado ang dagat na walang alon.
Tapos, dinaanan ng barko ‘yung kawayan na nakatusok sa ilalim ng tubig, tapos, nag-vibrate lang ang barko nu’ng nasagasaan ‘yun, tapos tuluy-tuloy lang ang barko  hanggang sa nakarating sa port. 
Parang nahilo ako kaya kumapit ako nang mahigpit sa bakod ng barko, tapos nagising na ako. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,
Sandro

 

Sa iyo Sandro,
Sabi ng panaginip mo, huwag mong balewalain ang akala mo ay mga problemang nadarama mo. 


Huwag kang  gumaya sa iba na kakain ng sitsirya at pagkatapos ay wala namang masamang nangyari. 


Ang iba naman ay nakaranas ng munting pagsubok na nakayanan naman, pero sa kalaunan ay ininda ng katawan at isipan.


Mas maganda na ang buhay natin ay huwag solohin, kumbaga,  dapat makita natin na ang mga kaibigan ay nasa tabi natin para masabihan ng mga problema, nararamdaman at paniniwala.


Kaya ang taong walang kaibigan ay malungkot ang buhay at sinasabi ng mga dalubhasa na maaaring umiksi ang kanilang buhay, pero ang mga may kaibigan na napagkukuwentuhan ay sinasabing mas hahaba ang life span.


Kahit ano ang nangyayari sa atin, dapat may kaibigan tayong nasasabihan kung saan maliit man o malaki ang ating pinagdaraanan, mas mabuti na may nakaaalam kung ano ang ating kalagayan.


Minsan, ang mga kamag-anak, magulang, kapatid at iba pa ay hindi maaasahan dahil ang katwiran nila ay may kani-kanya tayong buhay, samantalang ang mga kaibigan, kahit walang kuwentang bagay ay pinakikinggan.


Muli, sinasabi ng panaginip mo na huwag mong balewalain ang akala mong okay ka lang dahil matagal nang totoo na ang akala ay nagbubunga ng pagsisisi.
 


Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr