Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pahirapan sa tubig, kasalanan ni ex-P-FVR

November 11, 2019

Bobi Tiglao / Banat

 

Hanggang ngayon ay nawawalan pa rin ng tubig sa ilang siyudad sa Metro Manila at hindi natin sigurado kung ganito  rin kalala ang sistema ng tubig sa mga probinsiya. 


‘Third world’ pa rin ang kalagayan  ng ating bansa kung sistema ng patubig ang ating pagbabasehan — problema sa supply, sa kalinisan nito at pati presyo na sobrang mahal! 


Hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat sisihin sa problema sa tubig. 


Matatandaang, si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang nagbigay sa dalawang pribadong kumpanya ng negosyo para magbigay ng tubig sa mga tao sa Metro Manila. 


Mas magaling daw ang mga pribadong kumpanya kaysa sa gobyerno tulad ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).


Ang Mandaluyong, Makati, Pasig, Marikina, Quezon City, Taytay at iba pa ang hawak ng isa sa mga kumpanyang ito.  Ito ay pag-aari ng mga Ayala, isa sa mga pinakamayamang angkan sa bansa. 


At ang pangalawa namang kumpanya ay pag-aari ng isang bilyonaryong taga-Indonesia, si Antoni Salim, Caloocan, Las Piñas, Malabon, Muntinlupa,  Parañaque,  ilang  parte ng Cavite at iba pa naman ang hawak nito.


Siguro, napapaisip kayo kung bakit mainit ang ulo natin sa mga private concessionaire na ito?  Simple lang, dahil monopolya ng  dalawang pribadong kumpanyang ito ang sistema ng patubig sa bansa. 


May kontrata sila sa gobyerno na siyang nag-aalaga ng Angat Dam kung saan kinukuha ng mga hitad ang supply ng tubig na ibinebenta nila sa taumbayan.


Dahil pribadong kumpanya ang dalawang water distributors ay maaari silang maningil sa taumbayan at magkamkam ng kita at maaari pa nilang ilabas ang mga ito ng bansa. 


Ang masaklap, bilyones ang kinikita ng dalawang kumpanyang ito  na napupunta lang sa kanilang bulsa, samantalang, ang ating gobyerno, bilang institusyon na nagsisilbi sa mamamayang Pinoy ay walang kinikita. 


Ito ang malaking kasinungalingan na ipinagkalat ng dilawan mula noong panahon ni dating Pangulong  Cory Aquino hanggang kay ex-P-FVR. 


Kinumbinse nila ang mamamayang nabola sa EDSA People Power Revolution, na sakim at masama ang gobyerno.


Mas mabuti raw  na panghawakan ng mga pribadong kumpanya ang sistema ng patubig sa bansa kaya ang nangyari pagkatapos ng 1986, nasira ang mga institusyon ng gobyerno na nagbibigay ng serbisyo sa publiko.


Kaya sa huli, wala tayong magagawa kundi ang pumila sa rasyon kapag wala o pahirapan na naman ang supply ng tubig. Tsk!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr