Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pagyoyosi at pagtoma ng buntis, sanhi ng bingot at ngongo ng baby

November 11, 2019

Shane M. Ludovice, M.D / Sabi ni Doc

 

Dear Doc. Shane,
Ang aking bunsong anak ay may bingot. Noong ipinagbubuntis ko siya ay nadulas ako sa aming hagdan at ito raw ang dahilan kaya nagkaganu’n ang aking bunso. Gayunman, sa kanyang edad na 6 ay pinili naming ipaopera ang kanyang labi. Okay naman ang resulta at nabawasan ang problema nito sa pagsasalita at naiintindihan na ito kumpara noon. May kakilala ako na ngongo ang kanyang anak, pero hindi naman daw siya nadulas o napahamak noong ipinagbubuntis niya ito. Ano ba talaga ang dahilan ng pagkabingot ng tao? Magkaiba ba ito sa kondisyon na ngongo? — Linafe

 

Sagot
Ang ngongo (cleft palate) at bingot (cleft lip) ay dalawang kondisyon na madalas ay magkasama, dulot ng hindi normal na pagkakabuo ng mukha habang ang sanggol ay nasa matris pa o isang ‘congenital deformity’. 

 


Sa bingot, hindi kumpleto ang itaas na labi at parang may butas o hiwa sa gitna na maaaring umabot sa ilong. Sa ngongo, ang gilagid naman ang hindi kumpleto at parang may butas o hiwa sa gitna. Bukod sa pagbabago ng anyo ng mukha, ang mga kondisyong ito ay nagdudulot ng problema sa pagsasalita.


Ano ang sanhi ng ngongo at pagkabingot?


Tulad ng ibang mga kondisyon, ang mga doktor ay walang tukoy na sanhi ng kondisyong ito. Subalit, may mga pag-aaral na nagsasabing maaaring nasa dugo (genetic) ang pagkakaroon ng ngongo, maaari ring dahil ito sa ilang mga bagay tulad ng paninigarilyo o pag-inom ng alak ng nanay noong ipinagbubuntis nito ang sanggol. 


Sa kabila ng mga paliwanag na ito, maraming kaso ng ngongo at bingot ang walang klarong eksplanasyon.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr