Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Oks na oks para maging healthy... Damit na nakakabawas ng stress at pagod, naimbento na

November 11, 2019

Gulat ka 'noh?!

 

Nakasanayan na natin na ang damit ay simpleng kasuotan lang dahil may iba’t ibang uri nito na puwedeng magamit sa iba’t ibang okasyon. Gayunman, alam n’yo ba na meron nang damit  na hindi lang basta-bastang isinusuot dahil keri nitong panatilihing maganda ang kalusugan ng nagsusuot? Weh, ‘di nga?


Naimbento ng Spanish fashion brand na Sepiia ang Ultimate Smart Shirt 3.0 kung saan ito ay idinesenyo para sa mga lalaki at nakababawas umano ng stress, nakapagpapaganda ng blood flow at energy levels.


Ang naturang kumpanya  ay matagal nang gumagawa ng smart clothing kung saan sa mga unang henerasyon, gumawa sila ng staining-resistant fabric para mabawasan ang paglalaba. 


Sa ikalawang henerasyon naman, gumawa ang Sepiia ng breathable fabric na nakapipigil sa sobrang pagpapawis at pagkakaroon ng sweat patches, gayundin, ito ay odor resistant. 


At para sa latest generation ng smart clothing, inilabas ng kumpanya ang konseptong wellness sa pamamagitan ng tela na merong features ng mga nakaraang henerasyon at idinagdag ang bioceramic nanoparticles na nakapagpapaganda ng kalusugan ng nagsusuot.


Ayon sa kumpanya, ang bioceramic nanoparticles sa yarn ay may kakayahang mag-reproduce ng Far Infrared Rays (FIR) na inire-release ng araw. 


Ang heat na ibinibigay ng FIR  ay pumapasok sa balat kung saan ang mga muscles, kasukasuan at blood vessels ang nakikinabang.  Ito ay dahil nalilinis ang blood vessels kaya mas maraming nutritional substances, oxygen, white blood cells at antibodies ang nakararating sa mga tissues. 


Gayundin, nalilinis ang blood vessels kaya mas maraming nutritional substances, oxygen, white blood cells at antibodies ang nakararating sa mga tissues. Ang bioceramic material sa loob ng  yarn ay nag-a-absorb ng harmful UV-A at UV-B ultraviolet rays na nagpoprotekta sa balat at repleksiyon ng sinag ng araw gayundin, nagsisilbi itong “virtual heat barrier” para mapanatiling komportable at presko ang nagsusuot.


Samantala, ang Ultimate Smart Shirt 3.0 ay nakapagpapabilis ng  metabolism, nakapagre-regulate ng skin pH at nakapipigil sa pag-build-up ng uric acid na nagiging sanhi ng pananakit ng mga ligaments at buto. Lahat ng features na ito ay pinagsama-sama para mabawasan ang stress, fatigue at mapaganda ang kalusugan ng magsusuot.


Bagama’t, maraming athletes na ang gumagamit ng bioceramic nanoparticles sa kanilang damit-pantulog para gumanda ang kanilang performance, ayon sa Sepiia, gusto nilang ibigay ang benepisyong ito sa publiko nang hindi lang sa pagtulog ginagamit.


Kung ito ang solusyon para mapanatiling maganda ang kalusugan, why not, ‘di ba? Gayundin, ang pagpapanatiling maganda ng ating kalusugan ay hindi dapat iasa lang sa ganitong uri ng mga imbensiyon. Mga bes, huwag n’yong pabayaan ang inyong kalusugan, ha? Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr