Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Mga Pinoy na desperadong maging OFW, panganib lang ang hanap abroad

November 11, 2019

Ryan B. Sison / Boses

 

Kapag hirap makaipon o palaging kapos ang kinikita sa bansa, pag-a-abroad ang unang pumapasok sa isip ng mga Pinoy.


Ito ay dahil sa paniniwalang mas malaki ang kinikita sa ibang bansa kumpara rito kaya kapag may oportunidad, walang choice kundi tiisin ang hirap na mapalayo sa pamilya at makapagtrabaho maibigay lang ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay.


Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay magandang desisyon ang pangingibang-bansa dahil ‘ika nga nila, suwertehan lang sa pag-a-abroad. ‘Yung tipong minsan ay suwerte sa employer at minsan naman ay nabibiktima ng illegal recruiter.


Kaugnay nito, nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy na aplikante hinggil sa paggamit ng tourist visa para makakuha ng trabaho sa ibang bansa. 


Ito ay kasunod sa pagpapauwi sa 71 distressed OFWs mula sa United Arab Emirates (UAE), kamakailan. 


Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, posibleng makaranas ng pang-aabuso ang mga aplikante na walang tamang dokumento. 


Gayundin, dumarami aniya ang natatanggap na reklamo ng kagawaran tungkol sa illegal recruitment.


Sa sobrang hirap maghanapbuhay sa bansa, napipilitang mag-abroad para kumita ng mas malaki para maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya. 


At ang masaklap, sa sobrang pagkadesperado, dedma na kahit ilegal para lang makapagtrabaho. 


Kaya ang ending, TNT o ‘tago nang tago’ kaya lalong nahihirapan ang pamilya.


Sana, maintindihan ng mga aplikante na hinihigpitan ang proseso para sa inyong kapakanan at mailayo kayo sa kapahamakan. At sa mga recruiter naman, huwag ninyong pagsamantalahan ang mga desperadong kababayan para lang sa pera. 


Kung gusto nating kumita nang tama, dumaan sa tamang proseso para hindi magsisi sa huli.  


Huwag tayong manghinayang sa oras at pagod na ilalaan dahil mas nakakapanghinayang kapag todo-sikap kang mangibang-bansa, pero mauuwi lang sa wala.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr