Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kahit may isyu ng hazing at ninja cops.. Gustong mag-pulis, dumami

November 11, 2019

 

Higit 22,000 aplikante ang sumabak sa Philippine National Police Academy (PNPA) Cadet Admission Test.


Ayon sa National Capital Regional Police Office (NCRPO), may kabuuang 22,573 aplikante sa buong bansa ang nakatakdang sumailalim sa examination sa 21 testing centers sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.


Sa naturang bilang, nasa 350 lamang ang kukunin para maging kadete at bagong opisyal ng PNP sa oras na makapagtapos sa programa.


Batay sa report, mas mataas ang bilang ng aplikante ngayong 2019 kumpara sa 14,000 aplikante noong 2018 kung saan nasa 300 lamang ang kinuha ng PNPA. 


Ito ay sa kabila ng isyu ng hazing at ninja cops.


Samantala, nabatid na ang makakapasa  at magiging kadete ay magiging iskolar ng pamahalaan at makatatanggap ng P28,000 buwanang allowance na katumbas ng sahod ng isang Police Master Sergeant.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr