Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

John Gokongwei Jr., pumanaw sa edad 93

November 11, 2019

 

Pumanaw na ang business tycoon na si John Gokongwei, Jr., kamakalawa ng gabi sa edad na 93.


Ayon sa anak ni Gokongwei na si Lance, payapang pumanaw ang kanyang ama alas-11:41 ng gabi.


Si Gokongwei ay ang pangatlong pinakamayaman sa bansa na ayon sa Forbes Magazine ay may networth na $5.3 billion para sa taong 2019. Walang ibinigay na detalye ang pamilya sa dahilan ng pagyao ni Gokongwei.


Samantala, bago namatay ay naipasa na nito sa anak na si Lance ang pamamahala sa JG Summit Holdings.


Naulila ni Gokongwei ang asawa nitong si Elizabeth at mga anak na sina Lance, Robina, Liza, Faith, Hope at Marcia at kanyang mga apo.


Inilarawan naman ng Malacañang si Gokongwei bilang isa sa mga leading Taipan, visionary at pillar ng Philippine economy, kasabay ng pakikiabot ng pakikiramay.


Kinikilala rin ng Palasyo ang kanyang journey bilang self-made industrialist, iginagalang na business leader at generous philanthropist.


Kasabay nito, inilahad din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung sa papaanong paraan nakatulong si Gokongwei sa ekonomiya ng Pilipinas, mula sa pagtitinda ng mga sabon, kandila at iba pa para kumita ng pera hanggang sa makapagpatayo ng malaking business empire dahil sa kanyang pagsisikap, disiplina at determinasyon.


Mula rin sa kanyang itinayong cornstarch plant noong 1957 ay naging binhi ito para lumaki pa sa ilang business enterprises ang kanyang negosyo dahilan para kilalanin siya bilang leading pillars ng business industry.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr