Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hilig sa tsismis, may magandang dulot para suwertehin ka

November 11, 2019

Sr. Socrates Magnus II

 

Bigyang-daan natin ngayon ang ilang epektibong pampasuwerte para sa mga nag-aakala na sila ay pinagdaramutan ng kapalaran.

 

Ganito ang sabi ng sikat na awitin, “Ang takot ay nasa isip lang!” Ayon sa mga sikolohista, tama ang nasabing awit na ang takot ay nasa isip lang. Ganito rin ang nagkakaisang sinasabi ng life coaches na kung ano ang laman ng isip ay ‘yun din ang mararanasan.    


Kaya marami ang nagsasabi na kung ano ang ilalagay mo sa isip ay puwedeng mangyari kung saan parang ang isip ay mahalaga kung ikaw ay mabibigo o magtatagumpay.


Pero, ano ang dapat gawin para magagandang bagay lang ang maging laman ng ating isipan? 


Paano malalabanan ang nasabi sa unahan na inaakalang pinagdaramutan ng kapalaran?


1. Dumikit ka sa masayahin at ikaw ay sasaya rin. Lalong maganda kung paliligiran mo ang iyong buhay ng maraming taong masayahin.


2. Magtagal ka sa harap ng mga palabiro. Makinig ka sa kanyang mga biro, ganundin sa mga mahaharot at mapagpatawa, hayaan mong magawa nila ang mga biro at pagpapatawa nila.


3. Manood ng mga palabas na nagbibigay ng saya.


4. Muli mong buksan at titigan ang mga litrato mo na may mga nakangiti o nakatawa.


5. Panoorin mo ang mga batang  naglalaro na sila ay masaya.


6. Hindi man gaanong kagandahan, pero malaki ang maitutulong ng pakikipagtsismisan at lalong may maitutulong ang pakikibahagi sa tsismis ng buhay ng may buhay.


7. Mamasyal ka sa mga lugar na sariwa ang hangin at payapa ang kapaligiran.


8. Ang paliligo nang higit sa isang beses kada araw ay may maitutulong din.


9. Pagsusuot ng mga bagong damit o paboritong isuot.


10. Kumain ng matatamis na prutas.


11. Huwag kalimutang kumain ng chocolates, ice  cream at mga sweet deserts dahil ang pagkain ng mga ito, lalo na ng chocolate na hahayaang matunaw lang sa bibig ay like a work of magic kung kailan mabilis na sisigla ang tao, sasaya at makalilimutan na siya ay pinagtatampuhan ng kanyang kapalaran. 


Good luck and God bless!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr