Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Depresyon lumala, kabataan nagpapakamatay.. FB, IG at Twitter ituro sa iskul

November 11, 2019

 

Dapat nang ituro sa eskuwelahan ang responsableng  paggamit ng social  media tulad ng Facebook, Instagram at Twitter, bilang bahagi ng pangangalaga  sa kalusugan ng isip.


Ayon kay Senator Win Gatchalian, dahil umano ito sa pagkakaugnay ng social media at internet sa pagtaas ng mga kaso ng depresyon at anxiety sa kabataan.


Nauna nang sinabi ni Dr. Cornelio Banaag, Jr. ng Medical City ang kakulangan sa tulog bilang epekto ng lubos na paggamit ng smartphone.


Paliwanag nito, madaling magkaroon ng depresyon ang kabataang madalas na napupuyat.


“Babala ng mga eksperto, ang pagbababad sa social media ang pangunahing dahilan kung bakit dumarami ang mga kabataang dumaranas ng anxiety at depresyon,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.


“Nakakabahala ito lalo na’t nababansagan tayong social media capital of the world, kaya naman mahalagang maituro natin ang wastong paggamit ng internet at social media,” dagdag pa ng mambabatas.


Batay naman sa Department of Health, humigit-kumulang 3.3. milyong Pilipino ang may depressive disorder.


Sa isang pag-aaral naman ng World Health Organization sa  mahigit 8,000 mag-aaral sa Pilipinas, halos 17 porsiyento na may edad 13-17 ang nagtangkang magpakamatay. Noong Marso, isang Grade 10 mula sa Sorsogon City ang sinasabing nagpakamatay at isa sa mga itinuturong dahilan ay depresyon.


Sinabi pa ng senador na kailangan na rin umanong ibalik ang subject na Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa mga paaralan at puwede na nitong saklawin ang pagtalakay sa responsableng paggamit ng social media.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr