Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Buhay at kasaysayan ng katutubong Pilipino, nasa batas sa ituro sa mga iskul

Dr. Persida V. Rueda-Acosta / Magtanong Kay Attorney

 

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon ba tayong batas na naglalayon na maisama sa curriculum ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng ating mga kababayang Muslim at Indigenous People?  — Hannah

 

Dear Hannah,
Para sa inyong kaalaman, nabanggit sa Republic Act 10908 o mas kilala sa tawag na Integrated History Act of 2016 ang mga sumusunod:


“Section 2. Integration of Filipino-Muslim and Indigenous Peoples History, Culture and Identity Studies in Philippine History.— With the ultimate objective of creating an inclusive history that accounts for all Filipinos, there is a need to integrate the history, culture and identity studies of Filipino-Muslims and Indigenous People in the grand narrative of Philippine history.


Section 3. Key Content.— In the formulation of the curriculum for an inclusive and integrative study of Philippine history, including the writing, printing and publication of textbook and other reading materials relative thereto, the agencies concerned shall consult recognized experts on Filipino-Muslims and Indigenous Peoples history, culture and identity.” 


Malinaw sa nabanggit na ang layunin ng batas na isama sa pag-aaral ng history ng Pilipinas ang kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng mga katutubong Pilipino tulad ng ating mga kababayang Muslim at Indigenous People. Upang makasiguro na maging maayos ang mga ilalathalang libro at iba pang materyales na mayroong kinalaman dito, nabanggit din sa batas na kailangan munang konsultahin ang mga eksperto sa kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng mga Filipino-Muslim at Indigenous People.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr