Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

‘Pinas, hindi makapalag sa China, underdog na, todo-pasa pa rin!

November 11, 2019

Ka Ambo / Bistado

 

Nasa likod ni VP Leni Robredo si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.


Pero ang unang payo ni Sen. Lacson kay VP Leni ay “watch your back!”


◘◘◘


TUMAAS na ang presyo ng itlog.


Ibinawal na ang longganisa at hotdog dahil sa African Swine Fever (ASF).


Paano na ang mga matrona?


◘◘◘


LUMILINDOL sa Mindanao.


May malaking baha sa Cagayan.


Nawawasak na ang dulo ng Pilipinas.


Nanangkupooo!


◘◘◘


YUMAO na si John Lim Gokongwei, Jr. sa edad na 93.


Siya ang may-ari ng Universal Robina Corporation at iba pang malalaking negosyo sa bansa.


Pero, wala itong kaugnayan sa ASF!


◘◘◘


MAKIKINABANG si VP Leni sa bagong posisyon na inialok ni P-Digong.


Malilibre siya sa multibilyong pisong halaga ng publisidad!


◘◘◘


NANGANGANIB na maisara ang isa sa dalawang pangunahing TV networks.


Maghihintay sila sa pagbabago ng liderato sa Malacañang bago makaporma ulit!


◘◘◘


ISA na namang kadete ang namatay sa PMA.


Hindi kaya na-infiltrate ang akademya ng mga Abu Sayyaf?


◘◘◘


NAOSPITAL si Bong Tan ng PAL matapos mag-basketball.


Baka naman hindi siya nakapag-shoot sa ring?


◘◘◘


MINAMARKAHAN pa rin ng Immigration sa Pilipinas ang pasaporte ng mga Chinese kahit may mapa ito ng “nine-dash territory”.


Talagang kaawa-awa ang mga Pinoy.


Wala kasing “yagbols”!


◘◘◘


WALANG ulat ang gobyerno kaugnay sa bagong pagkukunan ng tubig ng mga taga-Metro Manila.


Tubig, tubigg, tubiggg!!!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr