Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

World Pitmasters Cup, simula na

November 10, 2019

 

 

Maggugurlisan na ngayong araw ang November 2019 World Pitmasters Cup (WPC) 9-Stag  International Derby sa gagawing 2-Stag elimination round sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. 


Higit 330 entries ang inaasahang lalahok sa bagong edisyon mg prestihiyosong derby matapos humakot ng record-breaking 529 entries at P42.3-M  cash prize noong September WPC.  Ang WPC, na itinuturing ngayon na pinakamalaking derby sa buong mundo ay magsisilbi ring battleground para sa mga subok na at baguhang breeders at stag fighters ng bansa.


Umaasang makakuha ng back-to-back Pitmaster trophies si Senyorita Bulljack DMCA, na entry nina Jepoy, Bulljack at breeder Allan Vicencio matapos maitala ang solo championship sa nakalipas na September 2019 World Pitmasters Cup. Ang mga sikat na World Pitmasters Cup promoters ay sina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Sonny Lagon, RJ Mea at Eddiebong Plaza kasama ang iba pang mga malalaking pangalan sa cockfighting industry, muling magkakasubukan sa tanyag na stag derby sa Newport Performing Arts Theater of Resorts World Manila. 


Ang November 2019 WPC 9-Stag International Derby ay magkakaroon ng apat na sunod na 2-Stag  elimination rounds mula Nov. 10-13 (Sets A-D). Matapos ang one-day rest sa Nov.14, magkakaroon ng isang one-day, 220 k Pot Money 7-Stag Big Event sa Biyernes, Nov. 15. 


Ang mga qualifiers ay magbabalik sa ruweda sa 3-Stag semifinal rounds sa Nov. 17 para sa Set A, Nov.18 para sa Set B, Nov. 19 para sa Set C at Nov.20 para sa Set D. Matapos ang ceasefire sa Nov. 21, ang 4-Stag pre-final round ay lalarga sa Nov. 22 para sa maga kalahok na may cumulative scores na 3 at 3.5 habang ang mga grand finalists na may aggregate scores na 4, 4.5 at 5 points ay maghaharap sa championship sa November 2019 World Pitmasters Cup 9-Stag International Derby sa Sabado, Nov. 23.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr