Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Soft Tennis, hindi papepetiks, target ang tayang 3 gold

November 10, 2019

 

 

Walang sasayangin sandali ang Philippine Soft Tennis Association (PSTA), para hakutin lahat ang tatlong nakatayang gold medals sa pagsambulat ng 30th Southeast Asian Games sa Manila sa Nob. 30- Dis. 11.


Ito ang mariing binitawan nina national team coach Roel Licayan at players Joseph Arcilla at Bien Zoleta-Mañalac na anila’y ang inaasahang pagdumog ng homecrowd sa Rizal Memorial Sports Coliseum ang magbibigay ng malaking lakas upang mapagtagumpayan ang laban. “We can do it. I know the players can do it,” saad ni Licayan sa pagbisita sa 47th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros nitong Huwebes. “There are three events in the SEA Games – women’s singles, women’s doubles and men’s team — and we have very good chances of winning all three of them,” giit ni Licayan sa weekly public service program. 


 Ayon kay Licayan, ang matagumpay na pagsagupa ng Filipinos sa nakaraang Asian University Junior Soft Tennis Championships sa Colegio San Agustin indoor courts sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Setyembre ay isa nang indikasyon upang ipakita ang kahandaan ng koponan tungo sa gold medal sa SEAG. Sa AUSTC, hinablot ng Pinoy ang limang bronze medals, tatlo kay Princess Catindig n at dalawa kay Mark Alcoseba at sa team event sa men’s category.  


Bilang host nation, naniniwala ang mga opisyal na maalpasan natin ang one-silver, five-bronze medal haul. Ang  soft tennis ay huling humataw sa SEAG Indonesia noong 2011.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr