Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Rich na raw siya… Dimples, gusto nang layasan ang showbiz

November 10, 2019

Janice DS Navida / Showbiz Special

 

Taon ni Dimples Romana nga­yong 2019 dahil bukod sa pagiging hit ng kanyang seryeng Kade­nang Ginto kung saan sumikat ang karakter niyang Daniela Mondragon, kinuha rin siya ng Star Cinema para magkontrabida sa Metro Manila Filmfest entry ni Vice Ganda titled The Mall, The Merrier.   

 

Kaya hindi kataka-taka na si Dimples din ang napili ng may-ari ng Skin Magical na si Ms. Ghie Pangilinan para maging first brand ambassador ng kanyang skin care products dahil sikat na sikat nga ngayon si Dimples lalo nang kumalat ang Daniela memes sa socmed.

 

Sabi ni Dimples sa presscon ng Skin Magical, swak naman ang pagdating ng bago niyang endorsement dahil aminado siyang nu’ng nag-uumpisa siya sa showbiz, hindi maganda ang skin niya. Pero ngayon, na-realize raw niyang ito ang puhunan niya sa pag-aartista kaya todo-alaga na siya sa kanyang skin para kutis-artista lagi.

 

Naikuwento ni Dimples na 23 yrs. na siya sa showbiz dahil 12 yrs. old lang daw siya nang mag-umpisa. Dumating na rin daw siya sa point na feeling niya, gusto na niyang mag-retire dahil nakaipon naman na siya. Pero pinigilan daw siya ng kanyang handler at mga bossing na nanghihinayang sa talent niya at mga puwede pang gawin, kaya ayan, tuloy ang showbiz career ni Dimples at sobrang thankful siya sa dami ng blessings na patuloy na dumarating sa kanya.

 

Samantala, natanong si Dimples tungkol kina Vice Ganda at Ion Perez dahil magka­kasama nga sila sa shooting ng kanilang MMFF movie. Aniya, hindi naman siya ang nagkumbinse kay Vice na ilantad na si Ion dahil hindi raw siya pakialamerang tao, pero natutuwa siya na open na ngayon ang dalawa lalo’t nakikita raw niyang sobrang inspired si Vice at kumukuti-kutitap ang mga mata nito!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr