Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Paghahari ng ‘Pinas sa SEAG wrestling, ibabalik

November 10, 2019

 

 

Sa muling pagbabalik ng amateur wrestling sa Southeast Asian Games, determinado itong makapagbigay ng ambag para sa Pambansang koponan at mabigyang pagkakataon na maipakita ang kakayanan nito sa pandaigdigang kompetisyon.


Matapos na dalawang beses mawalan ng event sa SEAG dahil sa kawalan ng manlalaro ng host country na Singapore noong 2015 at Malaysia noong 2017, handa na muling ibalik ng wrestling ang korona sa Pilipinas sa biennial meet na magbubukas simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon ngayong taon. “Palaban ang ating mga wrestlers and they are motivated lalo ng maibalik yung wrestling sa SEA Games. Lalo silang ginanahan na pagbutihan lalo ang performance nila,” pahayag ni National Team Head Coach Cristina Vergara sa panayam ng BULGAR sa telepono.


Kamuntikan pang madiskaril ang planong pagbabalik ng Wrestling Association of the Philippines (WAP) sa biennial meet. Mayroong 14-man team sa 14 events na paglalabanan sa Wrestling na hinati-hati sa Greco-Roman (6), Freestyle men (5) at Freestyle women (3). Inamin ng 40-anyos na dating 2-time SEAG gold medalist mula sa lightweight freestyle division na malaki pa rin ang tsansa nila na madomina ang weight categories kahit pa man binawasan ito mula sa orihinal na 30 events.


Sasandal ang pambansang koponan sa mga bisig at lakas ng mga beteranong sina Alvin Lobrequito (men’s 57kgs, Freestyle), Margarito Angana (men’s 60kgs Greco Roman), Jason Balabal men’s  87kgs Greco-Roman), Noel Norada (men’s 63kgs Greco-Roman), Ronil Tubog (61kgs, men’s Freestyle), at Minalin Foy-os (women’s 55kgs freestyle) para makuha ang gold medals, habang tutulong sina Michael Cater (men’s 55kgs, Greco-Roman), Jason Baucas (72kgs, Greco-Roman), Jefferson Manatad (77kgs, Greco-Roman), Joseph Angana (70kgs, men’s Freestyle), Robert Torres (men’s 125kgs Freestyle), Johnny Morte (men’s 65kgs Freestyle), Jiah Pingot (women’s 50kgs Freestyle) at Noemi Tener (women’s 62kgs freestyle).

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr