Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Pacio champ pa rin, Folayang at Eustaquio, nakabawi sa ONE

November 10, 2019

 

Photo: onefc

 

Napanatili ni Joshua “The Passion” Pacio ang kanyang titulo sa pamamagitan ng second round submission technique para sa ONE Strawweight World championship laban kay Filipino challenger Rene “Challenger” Catalan sa main event ng ONE: Masters of Fate, Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena.  


Tinapos ni Pacio ang laban sa pagsagawa ng arm-triangle choke sa  2:29  ng 2nd round at maidepensa ang kanyang titulo sa unang pagkakataon habang umangat ang record nito sa 15-3 marka.


Hindi ininda  ni Pacio ang maagang submission maneuver ni Catalan sa unang round pa lamang matapos magpamalas ito ng leg submission at diniktahan ang opening round sa kanyang posisyon, ngunit, hindi naging matagumpay si Catalan at nakatakas si Pacio sa balak nitong submission.


Naihandog kay dating ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang ang isang technical decision victory laban kay Amarsanaa “Spear” Tsogookhuu ng Mongolia matapos ang isang unintentional headbutt na nagresulta sa pagkakaroon ng cut sa kaliwang pisngi ng Team Lakay member.


Itinigil ang laban matapos tamaan ng head butt ni Tsogookhuu si Folayang sa kalagitnaan ng 2nd round at ibinigay ang technical decision kay Folayang na pinutol ang kanyang two-game losing skid.


Wagi rin sa kanyang laban si dating ONE Flyweight World Champion Geje “Gravity” Eustaquio nang patumbahin nito ang dating tumalo sa kanyang si Toni “Dynamite” Tauru ng Finland sa 3rd round. Pinabagsak ni Eustaquio si Tauro sa pamamagitan ng isang spinning back kick sa tiyan upang tapusin ang laban sa 2:11 ng 3rd round.


Sa naturang rematch noong 2016 kung saan tinalo ni Tauro si Eustaquio via submission ay kamuntikan nang maulit ang nakaraan nang subukang kuhanin ng rear naked choke dito ngunit hindi nagpatinag ang Pinoy at nakatakas siya sa tangkang submission.


Naghuhumiyaw ang buong MOA sa isang malupit na 2nd round knockout victory ni Robin “The Ilonggo” Catalan laban sa Cuban wrestler na si Gustavo “El Gladiador” Balart matapos tumama ang malupit na right head kick na nagpasubsob sa Cuban fighter. Natapos ang laro sa 4:43 ng 2nd round.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr