Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nangunguha ng santol sa puno, sign na borer sa buhay

November 10, 2019

Socrates Magnus

 

Salaminin natin ang panaginip ni Leste ng Leste_ Sedilla@facebook.com

 

Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Humahangin, tapos hinihila ko ‘yung sanga ng puno ng santol. Kumukuha ako kasi ang lalaki ng mga bunga at habang kumukuha ako, inipit ko sa mga hita ko ‘yung santol ay pumutok, pero nakakuha pa rin ako.
Maraming salamat!


Naghihintay,
Leste

 

Sa iyo Leste,
Minsan, mahirap paniwalaan ang mga kahulugan ng panaginip dahil nakamamangha at nakagugulat ang mga ito. Minsan, parang mali ang kahulugan, pero minsan naman, mapapa-wow tayo kapag tama pala ang ibinigay na kahulugan. Ayon kay Sigmund Freud, Father of Psychology, kapag napanaginipan ang mga prutas, kadalasan ay nagbibigay ito ng mensahe sa nanaginip na talagang kailangan niya ang prutas na kanyang napanaginipan.


Alam mo, ang isa pang katotohanan tungkol kay Mr. Freud ay siya ay magaling na doktor sa kanyang panahon kaya ang mga kasabayan niyang doktor ay sa kanya humihingi ng suhestiyon.  Kakaunti ang doktor noon, pero masipag sila sa paggamot ng mga tao. Nagkaisa sila na magtipon para magpalitan ng mga kaalaman. Kadalasan ay sa bahay ni Mr. Freud ang meet-up. 


Doon inihayag ni Mr. Freud na ang mga prutas na nakikita sa panaginip ay kailangan ng nanaginip. Hindi mahirap tanggapin ang katotohanang ito dahil nagkakaisa ang lahat na ang mga panaginip ay naghahayag ng mga kailangan ng nanaginip. Kaya kumain ka ng santol dahil kailangan mo ang mga sustansiya nito. Ang santol ay panlaban sa mammary tumor sa kababaihan. Gayundin, nakatutulong ang santol sa mga taong pinaghaharian ng kalungkutan dahil ang tamis at asim nito ay nakatutulong para makalimutan ang kalungkutan.


Kahit sa buhay ng tao, ang asim at tamis ay may kakaibang dating dahil sisimangot ka at pagkatapos ay sasaya ka. Puwede ring masaya ang mukha mo at pagkatapos ay sisimangot ka. Isipin mo palang ang pagpapalitan ng saya at lungkot, sure na mawawala na ang lungkot mo.


Totoong marami ang benepisyo ng pagkain ng santol at hindi na natin iisa-isahin dahil kaya mo namang alamin. Ang mahalaga ay malaman mo na ang sinasabi ng panaginip ay kumain ka ng santol. Paano kung wala kang makitang santol ngayon? Ang talagang kailangan mo ay talunin ang pagkabagot mo dahil ayon sa panaginip at sa iyo, ang araw-araw ay hindi na nagbabago, kung ano ang ginagawa mo ngayon ay siya ring gagawin mo bukas at paulit-ulit lang.


Kaya bagot na bagot ka at ang asim at tamis ng santol sa kanyang pahiwatig ay ang dapat mong ilagay sa iyong buhay.


Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr