Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Nagpasaklolo sa madlang pipol… Angelica, pinagmumura at binantaang ipapakulong ang taxi driver na nang-harass sa Pamilya

November 10, 2019

 

Beth Gelena / Bulgary Files

 

 

Sa social media account ni Angelica Panganiban, humihingi siya ng tulong para sa kanyang pamilya. Tweet ng aktres, hinarass umano ng French driver mula sa airport ang kanyang pamilya sa accommodation ng mga ito.

 

“Hustisya,” ani Angelica sa pangha-harass umano ng French driver.

 

Umabot daw ng 450 euros o P25K sa Philippine peso ang babayaran umano ng pamilya ni Angge sa taxi driver. Hindi raw pumayag ang kapatid ni Angelica dahil alam nitong overpriced ang hinihingi ng driver.

 

“Hello! Kailangan ko po ng tulong. ‘Yung family ko sa Paris, nag-taxi from the airport at sinisingil sila ng 450 euros papuntang accommodation nila malapit sa Eiffel Tower. So, hindi po ginawa ng kapatid ko dahil alam niyang sobra-sobra ang singil sa kanila.”

 

Sinigawan pa raw ng driver ang mga kaanak ng aktres at hinampas pa umano ang ate niya nang makita nitong kinukunan siya ng litrato.

 

‘Di na raw nakapag-report ang pamilya ni Angge dahil ‘di naman gaanong marunong mag-French ang mga ito at iilan lang din ang nag-i-English sa kanila.

 

Natatakot din daw lumabas ang mga kaanak ni Angelica dahil alam ng driver kung saan sila nakatira.

 

To make the story short, pumayag na rin daw ang French driver sa 100 euros (P5000) at $60 (P3000) dahil iyon na lang ang natitirang pera ng pamilya ni Angelica.

 

Ang siste, nang naabot na raw ang pera ay inihagis daw ito ng driver sa kalsada. Nasaksihan ng isang Pinoy ang insidente at tinulungan ang kanyang mga kamag-anak na makipag-usap sa driver. Pero maging ang Pinoy na tumulong ay gustong saktan ng driver.

 

Pinasalamatan naman ni Angge sa kanyang socmed ang Pinoy na nagngangalang Leo Lim.

 

Pero hindi ru’n natapos ang galit ni Angelica sa French driver. May tweet pa ang aktres na “Gusto kong lumipad ng Paris ngayon at maghanap ng away!!!! Lintek!!! ‘Wag pamilya ko, gunggong ka!!! Ipapahanap kita!

 

“Pumapayag akong sinasaktan at ginagamit ako, pero hindi ‘yun uubra kapag ginawa mo sa pamilya ko. Hustisya!!!!”

 

May mga Pilipino na nakarinig sa panawagan ni Angelica. Tinawagan ng mga ito ang mga kakilalang nasa Paris para tulungang makapag-report sa pulis ang pamilya ni Angge at makalipat na rin ng hotel accommodation.

 

Marami rin daw mga “kababayan” na nasa Paris ang nag-abot ng tulong sa pamilya ng aktres. Pero may pag­hihimutok si Angge dahil ang inaasahan niyang tutulong sa kanyang pamilya ay hindi sila tinulungan. May patama siyang, “Sa ganitong sitwasyon mo mari-realize ‘yung totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa ‘yo. Hindi pala ‘yun nagsisimula at nagtatapos sa happy birthday.”

 

Hindi raw niya ini-expect ang mga taong tumutulong sa kanya sa Paris. Pero hindi rin daw niya ini-expect na ‘yung dapat na tutulong sa pamilya niya ay hindi man lang tumulong.

 

“Akala ko sila ‘yung mag-aalala. Deadma sila.”

 

Hinggil naman sa Frech driver, ani Angge: “I will not stop until you and your kind are locked up. Google translate mo ‘to ngayon ‘Hayop ka.’ Kung kailangan kong tumira diyan, n’yemas, titira ‘ko, makita ko lang na makulong kang hayuuup ka.”

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr