Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Lineup ng PHL Women’s Volley Team, kumpiyansa sa SEAG

November 10, 2019

 

 

Mataas ang kumpiyansa ng Philippine Women’s Volleyball Team sa podium finish sa 30th Southeast Asian Games bagamat hindi makalalaro ang key player na si  Fil-Am Kalei Mau.


Kapwa sang-ayon sina Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) President Joey Romasanta at LVPI training director Peter Cayco na taglay ng National Women’s team ang sapat na talento upang magkamedalya sa biennial games. 
Sinabi ni Cayco na ang Philippine Women’s Volleyball team ay kagagaling lang sa 2 linggong training sa Japan noong Oktubre at umibayo na chemistry at bonding ng players at nakita ito sa kanilang mga praktis at scrimmages laban sa Japanese ball clubs. 


Aminado si Romasanta na mahirap talunin ang  powerhouse Thailand dahil sila ang itinuturing na best women’s teams sa mundo pero ang Indonesia at Vietnam ay siguradong maiisahan ng ‘Pinas.  Tanging apat na teams ang maglalaban sa  SEAG dahil umatras ang Malaysia at Singapore bunga ng kakulangan sa players. 


Hindi na rin tuloy sina Jaja Santiago at Dindin Santiago-Manabat bilang import players sa Japanese League, dahil sa walang permiso mula sa foreign clubs. Bomalabs na rin si Fil -Am Alohi Robinson-Hardy sa listahan ng ‘Pinas dahil wala pa itong PHL passport. 


Binubuo ang Philippine Women’s Volleyball nina Alyssa Valdez, Julia Morado, Mika Reyes, Iris Tolenada, Eya Laure, Abigail Maraño, Mary Joy Baron, Maddie Madayag, Roselyn Doria, France’s Molina, Aiza Pontillas, Mylene Paat, Jovelyn Gonzaga, Dawn Macandili at Kathleen Arado.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr