Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kung dati, balot na balot… Bianca, nagbuyangyang lang, naitaob na sina Barbie at Bea

November 10, 2019

Erlinda Rapadas / Teka Nga

  

 

 

Marami pa ring fans nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali ang hanggang ngayon ay hindi pa nawawalan ng pag-asa at patuloy na sumusuporta sa tambalang BiGuel.

 

Labis nilang ikinatuwa na muling nagkasama sa panta­seryeng Daig Kayo ng Lola Ko ang kanilang mga idolo.

 

May kilig pa rin ang BiGuel love team at swak na naka­sama rin nila si Migo Adecer na nagmarka sa Sahaya. Bale third wheel si Migo noon sa tambalang Bianca/Miguel.

 

Kahit may pagka-horror ang love story nila sa Daig Kayo ng Lola Ko, tumutok pa rin ang loyal fans nina Bianca at Miguel at kahit daw sa telebisyon na lang magkaroon ng katotohanan ang love team, okey na sa kanila.

 

Samantala, may reaksiyon naman ang ilang netizens sa naging pahayag ni Bianca tungkol sa kanyang pagsusuot ngayon ng sexy at revealing two-piece swimsuit. Hindi raw niya ito ginagawa para lang ma-inspire ang ilang kabataang kababaihan upang hindi nila ikahiya ang kanilang katawan, sa halip ay ipagmalaki pa kung puwede naman at may “K” na magpa-sexy.

 

Sabi ng ilang netizens, dinaig na nga ni Bianca ang pagiging daring ng mga mas nauna sa kanyang female Kapuso stars tulad nina Barbie Forteza at Bea Binene na hindi mas­yadong nagbuyangyang at nagpo-post ng sexy photos sa social media. Nakilala kasi noon si Bianca na may pagka-naive, conservative at old-fashioned.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr