Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Import ng SMB, nangamote sa ROS

November 10, 2019

 

 

Tinuldukan ng Rain or Shine Elasto Painters ang two-game skid matapos nilang lasingin ang San Miguel Beer, 91-85 sa PBA Governor’s Cup kagabi sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City.


Nangalabaw si import Richard Davis Ross ng 16 points at 12 rebounds upang tulungan ang Elasto painters na ilista ang 3-7 karta.


Hindi nagpasindak ang Elasto Painters sa lakas ng Beermen, ipinakita nila ang kanilang tikas upang hawakan ang 15-point lead 46-31 sa halftime. Nauna ang San Miguel Beer sa unang dalawang periods dahil nangungupete ang opensa ng kanilang bagong import na si John Holland na dalawang puntos pa lang ang kinakana.


Nagkukumahog pa rin ang hugot ng SMB kaya nanatili ang bentahe sa E-Painters sa third, umabot sa 17 ang kanilang lamang, 69-52 papasok ng fourth quarter.


Pumalag ang Beermen sa payoff period, naibaba nila sa dalawang puntos ang hinahabol wala ng dalawang minuto sa orasan. Pero naging matatag ang RoS upang makuha ang mahirap na panalo.


Samantala, pakay ng NLEX Road Warriors na ikahon ang pang-limang sunod na panalo upang masiguro ang pagsampa sa susunod na phase.


Tangan ang 7-1 record at naka-puwesto ang Road Warriors sa top spot ng team standings, haharapin nila ang magnolia Hotshots ngayong ala-6:45 ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

November 13, 2019

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr